Manila, Philippines – Inilunsad na ng pamahalaan ang proyektong ‘rehabinasyon’.
Ito ang magsisilbing unified campaign ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Kinabibilangan ito ng mga miyembro mula sa iba’t-ibang departamento at ahensya ng gobyerno o ‘Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs’ (ICAD).
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña – layon ng rehabinasyon na magsagawa ng kakaibang paraan kung saan makasisiguro ang pamahalaan na matuldukan ang problema sa ilegal na droga at mabigyan ng premium rehabilitation ang mga drug surrenderees.
Binubuo ng tatlong bahagi ang nasabing proyekto: ito ay ang #realnumbers, #realsolutions at #realstories
Nakabase ang mga ito sa tinatawag na five pillars of action:
1. Drug demand reduction
2. Drug supply reduction
3. Civic awareness
4. Treatment and rehabilitation
5. Alternative development
Naniniwala ang pamahalaan, sa pamamagitan ng rehabinasyon ay mas mapapaigting pa ang pagsugpo ng ilegal na droga para sa kapakanan ng pamilyang Pilipino.