PROGRAMA PARA SA SENIOR CITIZENS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PALALAKASIN

Inilunsad ng City Health Office ang programang pangkalusugan para sa mga senior citizens na pinangungunahan ng bagong Geriatric Doctor, si Dr. Rizzie Maramba-Abad.

Layunin nitong masigurong mabibigyan ng angkop na medikal na atensyon ang mga matatanda sa lungsod.

Kasama sa programa ang regular na medical missions sa iba’t ibang barangay kung saan magsasagawa si Dra. Abad ng konsultasyon at check-up.

Bukod dito, magtatakda rin ng partikular na araw para sa libreng medical check-up at konsultasyon sa Office of the Senior Citizens Affairs at City Health Office.

Lahat ng serbisyong medikal tulad ng laboratory tests, X-ray, ultrasound, ECG, mammogram, at 2D echo ay ibibigay nang libre sa mga senior citizens. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap na mapabuti at mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mga matatanda sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments