Programa para sa tuloy-tuloy na suplay ng malinis na tubig maging sa mga liblib na lugar sa bansa, pinag-aaralan nang ipatupad ng Malacañang

Nag-iisip na ng paraan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang magpatupad ng Integrated Water Resources Management (IWRM) program para sa bansa.

Aniya ang programang ito ay isang paraan upang itaguyod ang pagsasaayos at pangangasiwa sa tubig, lupa at katulad na resources para magamit ito nang husto nang hindi nakukumpromiso ang ecosystem.

Una rito ay plano ng pangulo na lumikha ng isang ahensiya na tututok lamang sa water resources management and preservation.


Layunin nitong masiguro na may malinis na inuming tubig na magiging available sa lahat ng Pilipino kahit pa sa malalayo at liblib na lugar sa bansa.

Nais ng pangulo na magkaroon ng pagkukuhanan ng malinis na tubig sa 842 mga munisipalidad sa buong Pilipinas na ngayon ay nakakaranas pa rin ng paputol-putol na water services at kulang sa tamang sanitation.

Naniniwala ang pangulo na mahalaga na ma-preserve ang tubig sa pamamagitan ng maayos na pangangasiwa ng isang departamento upang matugunan ang pangangailangan dito ng lumalaking bilang ng populasyon sa bansa.

Facebook Comments