Friday, March 20, 2026

Programa sa Mendiola, tinapos na ng mga raliyista; biyahe ng jeep sa QC, normal kahit may tigil-pasada ng PISTON

Bandang 4:05 kaninang hapon nang tapusin ng grupong PISTON ang kanilang programa sa Mendiola.

Mapayapang kusang umalis ang mga tsuper at iba pang raliyista matapos ang mga talumpati at pagtatanghal.

Naging pangkalahatang mapayapa ang isinagawang welgang transportasyon, na resulta ng maayos na diyalogo sa pagitan ng mga lider ng grupo at ng Manila Police District (MPD).

Tinatayang nasa 700 ang nakibahagi sa aktibidad.

Nabuksan na rin sa daloy ng trapiko ang intersection ng Mendiola, Legarda, at Recto Avenue na pansamantalang isinara sa loob ng tatlong oras.

Samantala, nanatiling normal ang biyahe ng mga jeep sa Quezon City sa kabila ng isinagawang tigil-pasada ng PISTON ngayong araw.

Tuloy-tuloy ang pila at biyahe sa mga rutang Project 2-3 at biyaheng pa-Cubao.

Kaunti rin ang mga pasahero dahil walang pasok ngayong holiday.

Facebook Comments