Programa sa pabahay ng gobyerno, sinigurong may sapat na pondo sa 2020

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni House Assistant Majority Leader Julienne Baronda na may sapat na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap sa 2020.

Nababahala si Baronda sa patuloy na pagtaas ng bilang informal settlers sa bansa mula sa 1.5 million noong 2011 sa 2.2 million noong 2015.

Nabatid pa na umabot sa 5.7 million ang housing backlog mula 2011 hanggang 2016 at kinakailangang makapagtayo ng 2,602 na housing unit kada araw sa susunod na anim na taon para masolusyunan ang backlog.


Kinuwestyon naman ng neophyte congresswoman ng Iloilo City kung bakit pababa ang trend ng budget for Housing and Community Amenities mula P11.61 billion nung 2017, P7.5 billion sa 2018 at 5.5 billion sa 2019.

Pero, siniguro naman ni Budget acting Secretary Wendel Avisado na tumaas naman ang pondo para sa housing batay sa inaprubahang GAA mula P6.296 billion noong 2018 ay tumaas ito sa P8 billion sa 2020.

Iginiit naman ni Avisado na anuman ang nakalagay sa NEP ay hindi masusunod at ang susunding alokasyon ay ang 2020 GAA na inaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo.

Facebook Comments