Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Calasiao ang Capability Building and Skills Enhancement for the Management of Children at Risk (CAR) maging ang Children in Conflict of the Law (CICL) sa Regional Evacuation Center, Poblacion East.
Ang aktibidad na ito ay kahalintulad ng Parent-Child Encounter kung saan ay gumawa ng lugar para sa mga partisipante ng programa upang mailabas ang kanilang nararamdaman, opinyon at hinaing sa isa’t isa.
Nilalayon pa ng aktibidad na ito ay mabigyang kapasidad at kaalaman ang bawat kalahok ukol sa kanilang karapatan at mabigyan ng sapat na suporta mula sa magulang at upang ipaalam ang saklaw ng child labor na lantarang nagaganap sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kaugnay pa nito ay isinagawa ang Parent Effectiveness Seminar (PES) para naman ay mapatatag pa ang samahan ng bawat pamilya.
Nanguna naman ang lokal na pamahalaan ng Calasiao kung saan nanawagan sila sa pribado at pampublikong sektor na magtulungan sa pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga bata.
Iginiit ng alkalde na mahalaga ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pagbuo ng magandang paghubog sa kabataan, ito ay upang maramdaman ang suporta, proteksyon at pagmamahal ng bawat isa.
Sa huli ay nakatanggap naman ng food packs ang mga kalahok at dumalo sa nasabing programa. | ifmnews