Programang ‘Agri-Negosyo para sa OFWs’, inilunsad na ng DTI

Inilunsad na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa tulong ng Department of Agriculture (DA) ang programang ‘Agri-Negosyo para sa OFWs’.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, layon ng nasabing programa na magbigay ng hanapbuhay sa mga napauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa bunsod ng pandemya.

Aniya, makakatulong din ito sa pagmo-modernize sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalakas sa food value chain at pagtitiyak sa food security sa bansa.


Facebook Comments