Programang “Basura mo, Kapalit ay Bigas”, Ilalarga na ng CENRO dito sa Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Nananawagan ang City Environmental and Natural Resources Office (CENRO) dito sa Lungsod ng Cauayan sa lahat ng mga Cauayenos na makiisa sa kanilang programa bilang pakikipagtulungan sa ipinapatupad na ordinansa sa basura.

Batay sa inihayag ni Atty. Alejo Lamsen ng CENRO, magkakaroon umano ng Programa ang Pamahalaang Panlungsod gaya ng Public Private Partnership for the People o PPPP na “Basura mo, Kapalit ay Bigas”.

Ayon kay CENRO Officer Atty. Lamsen, ipunin at linisin lamang umano ang mga di-nabubulok na basura gaya ng mga plastic selophanes dahil kung aabot na umano ito sa dalawang kilo ay mayroon na itong kapalit na isang kilong bigas.


Magsisimula ang naturang programa nitong unang araw ng buwan ng Agosto taong kasalukuyan.

Layunin rin umano ng nasabing programa na makatulong upang mabawasan ang mga basura at mapanatili ang kalinisan ng buong syudad ng Cauayan.

Facebook Comments