Inilunsad sa lungsod ng Dagupan ang ‘College Behind Bars’, isang scholarship program na inilaan para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs.
Ito ay epektibo sa bisa ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, Bureau of Jail Management and Penology o BJMP at University of Luzon.
Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga PDLs para sa oportunidad na makapag-aaral sa kabilang na kasalukuyang kinalalagyang sitwasyon.
Nasa tatlumpung PDL scholars ang pilot beneficiaries ng naturang programa. Samantala, aasahan ang serye ng mga aralin mula sa unibersidad sa pamamagitan ng online training sessions. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments