PROGRAMANG GOODBYE GUTOM SA DAGUPAN CITY, NAGPAPATULOY SA MGA BARANGAY SA LUNGSOD

Nagpapatuloy ang Goodbye Gutom Feeding Project sa Dagupan City na umaarangkada sa mga bara-barangay sa lungsod na may layon matugunan at matuldukan ang problemang kagutuman at malnutrisyon lalong lalo na ang mga batang Dagupeño.
Nauna nang nailunsad ang programa sa mga Barangay ng Carael, Teben, Bonuan Gueset, Herrero Perez, Lucao, at Mamalingling, at magpapatuloy ito sa natitirang dalawampu’t apat pang mga Barangay.
Naipapamahagi ang ilang mga pagkaing taglay ang sustansya dahil layon nitong bigyang diin ang kahalagahan ng pagkaing may tamang nutrisyon at ang pagkain sa tamang oras.

Samantala, target naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Zero Hunger o pagwakas sa kaso ng kagutuman na nakapaloob sa United Nations Sustainable Development Goals sa taong 2030 sa lungsod gayundin ang layon nitong mapanatili ang food security, at mapalakas ang kalusugang pangnutrisyon ng mga bata. |ifmnews
Facebook Comments