Programang magpapahusay sa pampublikong mga guro, isinulong sa Senado

Inihain ni Senator Sonny Angara ang Senate Bill 2312 para sa pagbuo ng Teacher Education for Achievers Program o TEACH na siyang magpapahusay sa mga pampublikong guro.

Magkakaloob ang programa ng mga insentibo tulad ng full scholarships at iba pang mga allowance at garantisadong trabaho kapag sila ay nakapagtapos.

Titiyakin din ng TEACH program na ang mga nais maging guro ay mabibigyan ng magaling na edukasyon at pagsasanay mula sa mga ka-partner nating Teacher Education Institutions.


Layunin ng panukala ni Angara na mapabuti ang basic education sa public school system sa bansa at matugunan ang kahinaan ng primary school students.

Diin ni Angara, sa ganitong paraan ay mas magiging karapat-dapat ang mga mag-aaral sa mga oportunidad na darating sa kanilang buhay sa hinaharap.

Facebook Comments