Inilunsad ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos ang isang programang makakatulong para sa mga lokal na negosyante sa lungsod.
Sa post ng LGU San Carlos City, inilunsad ang isang programa o isang Facebook Group kung saan malaya nilang maibabahagi online ang kanilang mga promotion materials ng kanilang Negosyo.
Ayon pa sa LGU, maglulunsad din sila bagong opisyal na Page na NEGOSYO SC OFFICIAL na naglalayong bigyan ang mga negosyante ng libreng Advertisement sa pamamagitan ng feature ng negosyo gamit ang larawan o bidyo.
Handog din ng LGU sa mga negosyante ang libreng coverage sa mismong establisyemento upang maipakita at may maibahagi ang mga ito sa kanilang sariling FB Page na magsisilbing kanilang Marketing Output gaya ng isang mini-commercial.
Nagpapasalamat naman ang mga negosyante sa lungsod dahil kahit papaano ay makakatulong ang platapormang ito upang makilala ang kanilang mga munting Negosyo.
Matatandaan na noong panahon ng pandemya ay maraming mga establisyemento ang nagsara ngunit sa ngayon ayon sa DTI Pangasinan ay marami sa mga Pangasinense ang mga nagbukas ng kanilang negosyo. |ifmnews
Facebook Comments