PROGRAMANG MAKATUTULONG SA PAGTUON SA HAZARD MITIGATION NG PROBINSYA NG PANGASINAN, PINAG-USAPAN

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Field Office I at sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office, isinagawa ang isang planning workshop na may kaugnayan sa Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation and Mitigation –Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) Program Review.
Naglalayon ang pagsasagawa ng workshop at program review na ito ng DSWD FO1 na makipagtulungan sa lalawigan na makasama ang kanilang bagong tuntunin ang pagpapabuti pa lalo at pagtuon sa hazard mitigation ng probinsya.
Kinailangan din ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO para magbigay ng kanilang ideya na pwede ring makatulong para lalo pang mapahusay ang naturang programa.

Hindi lang naman daw kasi tungkol sa cash for work o cash for training ang programang ito kung hindi ay pang-komunidad din kung saan nais nilang makita ang pananaw ng mga ito lalo na sa kanilang katatagan at pag-angkop kapag mayroon mang mga kalamidad na mangyari dahil sa climate change.
Ayon naman kay Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza, mahalaga ang pagkakaroon nila ng ganitong klase ng workshop at program review dahil mas magandang umanong magtulungan ang bawat isa na pag-aralan ang lahat ng programa ng national government at i-angkla ito sa mga programa ng probinsya kung saan ang mga mamamayan rin ng Pangasinan ang higit na makikinabang. |ifmnews
Facebook Comments