PROGRAMANG NO BARANGAY LEFT BEHIND, INILUNSAD

CAUAYAN CITY – Muling inilunsad ng Provincial Government of Cagayan (PGC) ang programang No Barangay Left Behind (NBLB) sa bayan ng Sta. Ana at Gonzaga sa lalawigan ng Cagayan.

Kasamang PGC sa paglulunsad ng programa ang Provincial Treasury Office, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office (PHO), Office for People Empowerment (POPE), mga kawani ng kapitolyo at mga opisyales ng nasabing bayan.

Sa Aktibidad, tumanggap ng tulong pinansyal ang mga Day Care Worker(DCW) na nagkakahalaga ng P3,500 bawat isa, tig-P2,000 naman para sa mga Barangay Tanod, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers, habang ang mga 4P’s members ay tumanggap ng tig-P1,000.


Ang Naturang programa ay inisyatiba ni Gov. Manuel Mamba na may layuning maabot ng mga programa at serbisyo ng PGC ang lahat ng barangay sa buong probinsya ng Cagayan.

Facebook Comments