Aarangkada na mamaya ang programang On-the-Spot sa RMN DZXL 558 Manila.
Mapapakinggan at mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi kasama si ACT-CIS Partylist Congresswoman Nina Taduran.
Ang salitang SPOT sa On-the-Spot ay nangangahulugang serbisyo, publiko, opinyon at talakayan.
Mayroon itong tatlong segment; Una, ang Spotlight kung saan mag-iinterview ng mga personalities at government officials; Pangalawa, ang Buhay Kalinga kung saan mape-feature ang mga taong natulungan at matutulungan pa ng programa at Pangatlo, ang Arugang OFW na magtatanggol at magpoprotekta sa Overseas Filipino Workers o OFWs.
Ipinaliwanag naman ni Taduran na bukas pa rin ang programa para sa publikong nais magdulog ng problema.