
Patuloy na popondohan ang programang bente pesos kada kilo na bigas ng pamahalaan.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kasali pa rin ito sa panukalang budget para sa 2026.
Nagkakahalaga aniya ito ng mahigit P10 billion na nasa ilalim ng rice for all program ng Department of Agriculture.
Layon din ng budget na palawigin ang mga maaaring bumili ng abot kayang halaga ng bigas.
Sa ngayon, kasama na rin ang mga magsasaka sa maaaring makabili ng P20/kilo na bigas matapos magsimula nang magbenta ang 18 warehouses ng National Food Authority sa Central at Northern Luzon.
Facebook Comments










