Inabrupahan ng Presidential Agrarian Reform Council-Executive Committee ang isang taong pagpapalawig sa pagpapautang para sa mga Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs).
Sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na sa ilalim ng Credit Assistance Program for Program Beneficiaries Development, pauutangin ng kabuuang ₱76 milyong ang mga ARBOs maliban pa sa ₱11.341 milyon na para sa pagpapaunlad ng kakayanan ng mga magsasaka.
Sa ngayon, may kabuuang pondo na ₱87.341 milyon na ipagkakaloob sa 60 ARBOs sa bansa.
May kabuuang ₱392.20 milyong pautang ang naipagkaloob na sa 112 ARBOs kung saan may kabuuang 6,854 indibidwal na ARBs ang nakinabang dito.
Sa pagtatapos ng pagpapatupad ng isang taong pagpapalawig ng CAP-PBD, magsagawa ng isang pagsusuri ng programa at ang resulta nito ay isusumite sa PARC Executive Committee para sa kanilang konsiderasyon.