Programang pamimigay ng face mask ng gobyerno, makatutulong sa pagbawas ng quarantine violators

Wala nang magiging palusot ang mga pasaway na ayaw mag-face mask sa “Libreng Mask Para sa Masa” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa ginawang pamamahagi ng 84 na libong reusable face masks sa mga taga-San Juan kahapon.

Paliwanag ni Eleazar, malimit na dahilan ng mga nahuhuling walang face mask ay dahil wala silang pambili.


Kaya inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD na makipagtulungan sa mga iba pang ahensya ng pamahalaan para mamahagi ng libreng face masks.

Ayon kay Eleazar, maaaring mabawasan ang mga violator kung mamimigay ng libreng face mask ang gobyerno.

Base sa pinakabagong datos ng JTF COVID Shield, 450,529 violators na ang binalaan, pinagmulta, at inaresto sa paglabag sa quarantine rules mula March 17 hanggang October 7, 2020 sa buong bansa.

Facebook Comments