Patuloy na pinalalakas ang lahat ng programang pang-agrikultura sa bayan ng Lingayen matapos muling mamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng libreng binhing palay para sa mga magsasaka ng bayan.
Ang tulong na ito ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) katuwang ang Municipal Agriculture Office ng LGU Lingayen para sa lahat taniman ngayong nalalapit na Wet Season 2023.
Matagumpay na naipamahagi ang nasa kabuuang 580 na sako ng certified seeds para sa 400 na benepisyaryo na rehistradong nagtatanim ng palay mula sa labing walong (18) barangay sa bayan.
Ayon sa MAO, ang bilang ng sako na matatanggap ng mga ito ay nakadepende sa lawak ng kanilang pinagtatamnan.
Tiniyak ng DA na ang ibinigay nilang binhi sa mga magsasaka ay akma sa uri ng lupa at lagay ng panahon sa lugar na kanilang panggagalingan.
Dahil sa natanggap ng mga ito, laking pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil napili ang mga ito na bigyan ng tulong para sa ikakabuti ng agrikultura ng bayan ng Lingayen.

Facebook Comments