Programang Pangkalusugan Ni Outgoing President Barack Obama, Balak Ibasura Ni Us President Elect Donald Trump

26

NEW YORK CITY – Humarap sa mga mamamahayag si US President Elect Donald Trump sa New York City, kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas.Sa nasabing presscon – sinabi ni Trump na naniniwala siya na ang Russia ang nasa likod ng diumanoy pangha-hack sa democratic party noong kasagsagan ng eleksyon sa Amerika.Wala anyang sapat na cyber security program ang nasabing partido kaya ito napasok ng ibang bansa.Pinatusadahan din nito ang mga news organization na naglalabas ng mga pekeng balita.Bukod ditto, sinabi rin ni Trump na balak niyang ibasura ang Obamacare o programang pangkalusugan ni outgoing President Barack ObamaNakatakdang maupo bilang ika 45 pangulo ng Amerika si Trump sa ika-20 ng Enero.

Facebook Comments