PROGRAMANG PATUBIG, ISINUSULONG SA MANGALDAN

Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan katuwang ang National Irrigation
Administration (NIA) ang programang patubig para sa mga magsasaka sa bayan.Noong Sabado, Oktubre 18, nagtungo ang mga kinatawan ng NIA sa Barangay Maasin upang ipaliwanag sa mga benepisyaryo ang direktiba at proseso ng pagkuha ng libreng serbisyo.

Mahigit 60 magsasaka ang lumahok sa naturang aktibidad.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, kabilang din sa saklaw ng free irrigation service ang mga barangay ng Alitaya, Amansabina, David, Gueguesangen, Anolid, Malabago, Buenlag, Banaoang, Bari, Guilig, Lanas, Salay, at ilang bahagi ng Bantayan at Talogtog.

Naghandog din ng notarial service ang lokal na pamahalaan para sa mga magsasakang dumalo.
Ang inisyatiba ay alinsunod sa Republic Act 10969 o Free Irrigation Service Act (FISA), na naglalayong magbigay ng libreng patubig sa mga magsasakang may lupang pansaka na walong ektarya pababa.

Facebook Comments