Programang pautang ng gobyerno kontra 5-6, inilunsad na

Manila, Philippines – Inilunsad na ng gobyerno ang kanilang ‘Pondo para sa Pagbabago at Pag-Asenso’ o P3 program.

Layon ng programa na pautangin ng puhunan ang maliliit na negosyante sa bansa para makaiwas sa 5-6.

Ayon kay Department of Trade and Industry Usec. Zenaida Maglaya – sa ilalim ng P3, pwedeng makautang ng lima hanggang 100-libong piso ang may maliliit na negosyo gaya ng sari-sari store.


Ang maganda pa rito, 2.5 percent lang ang interes kada buwan kumpara sa 20 percent na patong sa 5-6 kada araw o linggo.

Dagdag pa ni maglaya, bukod sa walang collateral, agad ding makukuha ang loan sa loob lang ng isang araw.

Ayon sa DTI, uunahin muna nila ang pinakamahihirap na probinsya sa bansa pero magiging nationwide din ito ngayong taon.

Una rito, naglaan ng P1-bilyong pondo si Pangulong Rodrigo Duterte para sa programa bilang bahagi ng kampanya nito laban sa 5-6.

Facebook Comments