PROGRAMANG TUPAD NG DOLE,BENEPISYARO ANG MGA MIYEMBRO NG LGBT SA SAN JACINTO

Ipapasok sa programang TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Pride Month ang mga miyembro ng LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender community ng bayan ng San Jacinto.
Ang programang TUPAD ay nagbigay ng pagkakataon sa iba’t-ibang sektor komunidad tulad ng mga magsasaka, solo parents, PWDs at mga miyembro ng TODA ng parehas na programa mula sa DOLE kung kaya’t hindi rin nalimutan ng naturang ahensya ang mga miyembro naman ng LGBT.
Ang mga benepisyaryo ay mabibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw.

Sa ngayon ay isinasagawa ang profiling at validation process para sa miyembro ng LGBT sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan katuwang ang San Jacinto Sexuality and Gender Alliance o SJ SAGA, ang tanging accredited organization ng LGBTQIA+ community ng San Jacinto. |ifmnews
Facebook Comments