Muling magbubukas ang programan Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers o ang TUPAD Program ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga residente sa bayan ng Lingayen upang maging kabilang sa mga bagong benepisyaryo ng nasabing programa.
Alinsunod dito ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan at mga Lokal na pamahalaan ng bayan dito sa opisina ng senador na si Legarda.
Layon nitong makapagbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga community services at bilang kapalit nito ay matatanggap ang kabuuang cash payout.
Samantala, ilan pang mga programa ang inihahanda para mapakinabangan ito partikular para sa mga residente sa mga bayan sa ilalim ng ikalawang distrito ng lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments