
Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) OIC-Director Angelito Magno na mino-monitor nila ang progreso ng hold departure orders at passport cancellations ng mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Layon nito na matiyak na mapapanagot sa batas ang mga nasa likod ng naturang aniya’y pagtraydor sa bayan.
Nanawagan din sa publiko si Magno na huwag tutulungan sa pagtatago sa batas o arborin ang mga nakalalaya pang akusado sa non-bailable flood-control malversation case.
Ito ay lalo na aniya’t patuloy pa ang imbestigasyon sa pagsasampa ng karagdagang kaso laban sa mga akusado.
Sa harap na rin ito ng panawagang hustisya ng taumbayan.
Facebook Comments









