Inilatag ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang mga nakamit na kaunlaran ng lalawigan mula sa koleksyon ng kita, progreso ng mga proyektong imprastraktura at produksyon ng mga lokal na produkto sa iba’t-ibang sektor noong 2025, sa unang State of the Province Address sa kanyang ikalawang termino kahapon, Abril 8.
Bilang panimula, sumentro ang talumpati ng gobernador sa tema na isinulat mula sa pananaw ng ibang tao na “Strong Political Will and Vision, Driving Pangasinan’s Progress: Mas, Handa, Mas Matatag, at Mas Matibay ang Paninindigan” na sumasalamin umano sa determinasyon ng administrasyon na ituloy ang mga planong pangkaunlaran sa kabila ng mga paninira at misinformation.
Pinagtuunan ng opisyal ang sektor ng imprastraktura at turismo, na sumasaklaw sa mga pasilidad na ipinapatayo sa kasalukuyan tulad ng Reflective Pool and Fountain na maghahatid ng libreng atraksyon sa publiko; at 11-Storey Government Tower na nasa 44.41 % na ang accomplishment na inaasahang matatapos sa Marso 2027.
Inilahad din ang pagdoble ng revenue collection noong 2025 mula sa san, gravel at quarry products na umabot sa abot P235.6 million; at P546.14 million mula sa 14 government-run hospitals, na naging dahilan upang mabigyan ng tig-P20,000 na Service Recognition Incentive ang mga permanent at non-permanent na empleyado sa lalawigan.
Sa sektor naman ng agrikultura, ibinahagi rin ni Guico ang accomplishment rate ng mga ipinapatayong Provincial Warehouse with Multi-Purpose Drying Pavements sa mga bayan ng Bugallon, Sta. Barbara at San Quintin, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng corporate farming.
Itinuturing naman na tagumpay ng kanyang administrasyon ang patuloy na pag-angat ng healthcare system dahil sa puspusang suporta at paglalaan ng 20% ng annual budget ngayong taon, na nakita na sa resulta ng mataas na in-patients na 120,069 at out-patients na 657,976 noong nakaraag taon bilang salamin sa mas malapit at nararamdamang serbisyo medikal.
Bahagi naman ng plano sa transportasyon ang pagpapatupad ng Electric Vehicle Bus Rapid Transit bilang mass trasport system sa lalawigan na inisyal na hakbang sa pagbabawas ng carbon emission at rekomendasyon sa paggamit ng electric vehicles sa Pangasinan.
Sa huli, muling hiningi ng gobernador ang kooperasyon ng mga ahensya upang maisakatuparan ang mga ambisyon at plano na maghahatid ng libreng edukasyon, serbisyong pangkalusugan at mas angat na antas ng pamumuhay sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










