Progreso sa pagkuha ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines, nananatiling matatag – Nograles

“Steady progress” pa rin ang pamahalaan sa pagkuha ng supply ng COVID-19 vaccines.

Sa ilalim ng government vaccination plan, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na unang 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine ay ibibigay sa health frontliners, mahihirap at essential workers simula sa susunod na taon.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang pamahalaan sa vaccine manufacuters gaya ng Pfizer, Novavax, Johnson & Johnson, Moderna, Sinovac, Gamaleya, at SinoPharm.


Maliban sa 2.6 million doses ngf AstraZeneca vaccine na nakuha ng bansa noong nakaraang buwan, makakatanggap pa ang Pilipinas ng karagdagang 30 milyong doses mula sa kaparehas na manufacturer sa susunod na taon.

Itinanggi rin ni Nograles na naging mabagal ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya.

Kaugnay nito, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na humigit-kumulang 80 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang maaring makuha ng pamahalaan mula sa iba’t ibang suppliers sa ibang bansa.

Pinasinungalingan ni Galvez ang mga ulat na nakatuon lamang ang gobyerno sa ilang bakuna.

Facebook Comments