CAUAYAN CITY – Muling inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 – Isabela ang Project ASTIG o Advancing Support to the Community through Innovation and Growth sa bayan ng San Agustin, Isabela.
Ang proyekto ay napakinabangan ng 312 na mag-aaral mula sa tatlong paaralan: ang Nemmatan Elementary School, Masaya Sur Elementary School, at San Agustin Central School.
Kasama sa mga ipinamahaging ayuda sa mga estudyante ang milk drink, milky bun, at mga school supplies na magagamit nila sa kanilang mga pag-aaral.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DTI Region 2, SADACO Multi-Purpose Cooperative (SMPC), at ang Provincial Government of Isabela (PGI).
Layunin ng Project ASTIG na mabigyan ng suporta ang komunidad sa pamamagitan ng inobasyon at paglago, habang pinapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na organisasyon.