PROJECT CART GO SERBISYO CARAVAN NG PNP ISABELA, UMARANGKADA SA SAN MARIANO, ISABELA

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ang Isabela Police Provincial Office ng Community Outreach thru Project CART o (Community Advocacies in Response to Terrorism, criminality and illegal drug) at GO Serbisyo Caravan ng PNP San Mariano sa Sitio Cauayan, Old San Mariano, San Mariano, Isabela kamakailan.

Bahagi ng nasabing akitibidad ang lecture on MOVE, epekto at sanhi ng illegal na droga at E.O. 70, pagkatapos ay namahagi ng ibat-ibat libro thru Project AKLAT (Adhikaing gabayan ang mga Kabataan at Linangin Ang kanilang kaisipan Tungo sa magandang kinabukasan) para sa mag-aaral ng San Mariano Old Elementary School, libreng gupit at tree planting.

Samantala, umabot sa 633 indibidwal naman ang nabenipisyuhan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang aktibidad.

Makikita rin ang aktibong partisipasyon ng KKDAT San Mariano at mga miyembro ng National Coalition ng Advocacy Support Group at Force Multipliers.

Layunin ng naturang proyekto na maipaabot ang agarang tulong at matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na nasa less fortunate communities at nasa far-flung barangays.

Facebook Comments