“Project Double Barrel Alpha” Ng Phil. National Police Kontra Iligal Na Droga, Inumpisahan Na

MANILA – Inumpisahan na ng Philippine National Police ang kanilang “project double barrel alpha”.Ayon kay PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, ang kanilang hakbang ay kasunod ng pagpako o pananatili sa lampas 700,000 ng bilang ng mga sumuko sa kanilang oplan tokhang bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra iligal na droga.Batay sa tala ng dangerous drugs board , tinatayang nasa 1.8 million ang drug users sa bansa kaya naman binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP ng isang taong extention hanggang July 2017 para sugpuin ang iligal na droga sa Pilipinas.Sa ilalim ng “project double barrel alpha”, sinabi ni Dela Rosa na ang dating oplan tokhang sa mga bahay–bahay ay mas pinalawak na ngayon kung saan kabilang na ang mga entertainment industry, paaralan, opisina at iba pa.Malalaking isda aniya ang kanilang target ngayon kabilang na ang mga celebrities.Batay sa PNP, nasa 54 celebrities ang napabilang sa bagong drugs watchlist kasama na ang isang top-rating tv show host.

Facebook Comments