*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpangiti sa mga batang katutubong Agta sa Brgy. Aridowen, Sta. Teresita, Cagayan ang ilang grupo na kinabibilangan ng mga mag aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas, PNP Sta. Teresita at ang Founder ng ‘PROJECT LAPIS’ na si Herson Raquini ngayong taong 2020.
Layunin ng nasabing proyekto ang tuloy-tuloy na pagkakaloob ng mga pangunahing kagamitan sa eskwela ng mga Agta.
Nagsanib pwersa na rin ang mga mag aaral ng Unibersidad ng Pilipininas na tubong Cagayan sa pamamahagi naman ng mga pagkain, tsinelas at mga laruan para sa mga batang Agta partikular na ang mga liblib na lugar sa hilagang Luzon.
Kaugnay nito, namahagi din ng mga damit at groceries ang Municipal Social Welfare Development ng Sta. Teresita.
Bagama’t may kalayuan ang lugar ay tiniyak naman ng PNP ang maayos na seguridad ng lahat sa pangunguna ni P/Capt. Marilou Pechay.
Tuloy-tuloy naman ang nasabing proyekto upang matiyak na ang mga katutubong Agta sa lugar ay magkaroon ng inspirasyon para sa kanilang magandang hangarin sa buhay.