PROJECT LAWA AT BINHI, IPINASAKAMAY SA KASIBU, NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay na ng DSWD Field Office 02 ang proyektong LAWA at BINHI sa mga partner-beneficiaries sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Lubos naman ang pasasalamat ng nasabing bayan bilang napiling benepisyaryo sapagkat hindi lamang pangkabuhayan ang maibibigay ng proyektong LAWA at BINHI sa kanilang, bagkus ay makatutulong pa umano sila sa ikabubuti at ikagaganda ng kanilang komunidad.

Samantala, sa nasabing proyekto, ang mga benepisyaryo ay nagsasagawa ng pagtatanim ng mga gulay at iba’t ibang uri ng halaman at nag-aayos ng imbakan ng tubig bilang paghahanda sa epekto ng tagtuyot.


Ang naturang proyekto ay bilang tugon sa problema ng kakulangan sa seguridad ng tubig at pagkain sa ating bansa.

Facebook Comments