PROJECT LINAW MATA, BUKAS SA LAHAT NG DAGUPEÑOS

Mapapakinabangan ng mga Dagupeños ang aarangkadang libreng eye check-up hatid ng lokal na gobyerno ng lungsod, katuwang ang dalawa pang partners.

Saklaw nito ang libreng pagsusuri sa Cataract, Pterygium, Retina Problem, Glaucoma, Juvenile Cataract at Macular Degeneration.

Ito ay sa ilalim ng Project Linaw Mata ng LGU Dagupan na layong iprayoridad din ang eye health ng mga Dagupeños.

Samantala, gaganapin ang nasabing health service sa darating na September 14, 2025, na magsisimula sa ganap na alas syete ng umaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments