Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sasagipin nito ang mga batang kalsada na gumagamit ng solvent.
Ito ay matapos ilunsad ng PDEA ang ‘Project: Sagip Batang Solvent’
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ililigtas nila ang mga bata na ginagamit ng mga sindikato sa drug trade at drug abuse lalo na ang mga sumisinghot ng solvent.
Nanawagan din si Aquino sa mga malalaking kumpanya at negosyante na isama ang proyekto bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility, kooperasyon at suporta sa hakbang ng gobyerno na supilin ang ilegal na droga.
Sa ilalim ng proyekto, ang mga home facilities ay itatatag para tulungan ang mga bata sa kanilang rehabilitasyon.
Facebook Comments