PROJECT STORY, INILUNSAD NG DIVILACAN POLICE STATION

Cauayan City – Pormal na inilunsad ng Divilacan Police Station ang Project Sharing Tales and Moral Lessons to the Youth (STORY) sa paaralan sa Brgy. Dimasalansan, Divilacan, Isabela.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbahagi ng iba’t-ibang mga kwento sa mga kabataan na kanilang kapupulutan ng mga mahahalagang aral na kanilang magagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Bukod sa nabanggit na programa, nagsagawa rin ng feeding program at namahagi ng mga laruan, damit, school supplies, at tsinelas sa 65 na batang benipesyaryo mula sa nabanggit na lugar.


Samantala, ayon kay Police Major Tersito Calimpusan Jr., hepe ng Divilacan PS, kanilang ipagpapatuloy ang buong pusong paghahatid serbisyo at pagpapakita ng malasakit sa publiko.

Facebook Comments