Nakalikom na ng kabuuang ₱ 1.62 billion in cash and in kind ang Project Ugnayan.
Target ng proyekto na matulungan ang mahihirap na pamilya sa greater Manila areas na apektado ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng COVID-19.
Ang Project Ugnayan ay isang fundraising initiative ng mga top business groups sa pakikipagtulungan ng Philippine Disaster Resilience Foundation at ng Caritas Manila.
Ayon kay Guillermo Luz., Project Spokesperson at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation, ang grocery vouchers na nagkakahalaga ng ₱1,000 ay ibibigay sa mga pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na ECQ.
Sinabi ni Luz na sa pagtatapos ng buwan ng Marso, nakapag-distrubute na ang kanilang partner na Caritas Manila ng grocery vouchers sa may 218,119 na pamilya o katumbas ng 1,090,595 individual sa mga economically-vulnerable communities sa Greater Metro Manila.
Target ng proyekto na matulungan ang abot sa 300,000 na pamilya sa susunod na mga araw.