PROJECT: “USAP AT KAPE, TULAY SA MAPAYAPANG BARANGAY, MULING ISINAGAWA

CAUAYAN CITY – Muling umarangkada ang Project: “Usap at Kape, Tulay sa Mapayapang Barangay” ng PNP Tumauini na isinagawa sa Barangay Sto. Niño, Tumauini, Isabela.

Sumailalim sa pag-aaral tungkol sa mga batas ang mga kalahok katulad ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, at RA 7610 o Child Abuse Law.

Maliban sa mga batas, nagbigay din ng impormasyon ang kapulisan tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NFT – ELCAC), Project Aking Bayan Kontra Droga (ABKD), at Road Safety Tips.


Nakakuha rin ng mga IEC materials ang mga kalahok na naglalaman din ng mga nabanggit na batas.

Samantala, hinikayat muli ni Police Major Melchor Aggabao, Chief of Police ng PNP Tumauini, na patuloy na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa kanila para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang bayan.

Facebook Comments