Projected COVID cases sa bansa pagdating ng agosto, posibleng pumalo sa 140,000

Pinangangambahan na umabot sa 140,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagdating ng katapusan ng Agosto.

Ito pagtataya ng University of the Philippines OCTA Research group kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Mathematics Professor Dr. Guido David, binago nila ang nauna nilang projection na 85,000 COVID cases nitong katapusan ng Hulyo at ginawang 90,000.


Binigyan diin ni David na hindi pababa ang trend ng COVID cases sa Metro Manila kundi pataas pa ito ng pataas kaya posibleng pumalo ang kaso ng virus sa 140,000 pagdating ng katapusan ng Agosto.

Kaugnay nito, iginiit ng Ibon Foundation sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na dapat na aminin ng administrasyon ang naging kahinaan ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemic.

Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Aafrica, sa ganitong paraan ay maiwawasto at mahahanapan ng solusyon ang pinakamatinding krisis pangkalusugan at ekonomiya sa kasaysayan ng Pilipinas.

Umaasa rin si Africa na ilalatag ng pangulo ang mga kaukulang hakbang na ikinakasa ng pamahalaan para masolusyunan ang COVID-19 crisis.

Facebook Comments