Iginiit ng Department of Energy (DOE) na tuluyan ng nalagpasan ang kanilang projection sa demand ng enerhiya sa bansa.
Ito ang ipinaliwanag ng ahensya kasunod ng paglalagay sa yellow at red alert sa ilang mga lugar o probinsya dahil na rin sa pagnipis ng reserbang enerhiya.
Ayon kay DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, karamihan kasi sa derated na mga power plant ang mga hydro power facilities.
Ito umano ang lubos na apektado dahil sa El Niño phenomenon.
Gaya aniya kahapon nakapagtala ang Luzon area ng 14,016 megawatts na demand pero sa projection nila ay dapat nasa 13,917 megawatts lamang ito.
Binigyang diin rin ng DOE na malaki talaga ang epekto ng El Niño sa grid system lalo na’t mataas ang demand ng paggamit ng publiko dahil sa init ng panahon.