Proklamasyon na maggagawad ng amnestiya sa mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF, aprubado na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado ang proklamasyon na maggagawad ng amnestiya para sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF).

Ito ay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Concurrent Resolution No. 20 na may layuning bigyan ng amnesty ang nasa 3,000 mga dating rebelde.

Ikinalugod naman ni Senator Jinggoy ang suportang ibinigay ng mga kapwa senador.


Nauna nang pinagtibay ng Senado ang amnesty proclamation para sa mga myembro ng Rebolusyong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolution Proletarian Army/ Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Moro National Liberation Front (MNLF).

Hinimok ni Estrada ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) National Amnesty Commission (NAC), Department of Justice (DOJ), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) na huwag hayaang hanggang sa papel lamang ang proklamasyon na ito.

Hindi naman sakop ng proklamasyon ang mga nahaharap sa mga mabibigat na kaso at nakabinbin sa korte.

Facebook Comments