Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list group, ipinagpaliban muna ng Comelec

Hindi tuloy ang nakatakda sanang proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist representatives ngayong araw.

 

Ayon kay Comelec Director III Atty. Frances Arabe, ito ay dahil naka-pending pa ang transmission ng siyam na Ceritificate of Canvass (COC) sa National Board of Canavassers.

 

Kinabibilangan ito ng apat mula sa local, apat sa overseas absentee voting at isa mula sa Persons Deprived of Liberty (PDL) voting.


 

Paliwanag ni Arabe, nabalam ang transmission ng mga COC dahil sa mga depektibong SD cards at iba pang mga isyu gaya ng panununog ng mga Vote Counting Machine sa Jones, Isabela noong araw ng elekasyon.

 

As of May 18, 2019, nasa 158 COC na ang naka-canvass ng NBOC mula sa kabuuang 167.

 

Samantala, bagama’t wala pang eksaktong petsa lang ng Comelec na isagawa ang proklamsyon sa loob lang isang araw kung saan mauuna ang mga nanalong party-list representative sa umaga at sa hapon ang mga senador.

 

Facebook Comments