MANILA – Ipo-proklama na bukas (May 19) ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong Senador at Party list group.Ito ang kinumpirma ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon kung saan gagawin ang nasabing proklamasyon si Philippine International Convention Center sa Pasay.Ayon kay Guanzon, sabay-sabay ngayon ang gagawing proklamasyon ng labing dalawang (12) nanalong Senador, hindi kagaya ng mga nakaraang eleksyon kung saan nagkaroon ng partial proclamation.Nabatid na mayroong mga senatorial candidate ang humihiling na mapaaga sana ang proklamasyon nila.Pero nanindigan ang poll body bukas nalang gawin ang simultaneous proclamation, simula sa hapon kung saan uunahin ang mga nanalo sa party list.Samantala, posibleng ngayong araw ay matanggap na rin ng National Board of Canvassers (NBOC) ang mga naiwang Certificate of Canvass (COC) mula sa Northern Samar at Lanao del Sur na nagkaroon ng special election.
Proklamasyon Ng Mga Nanalong Senador At Party List Group – Isasagawa Ng Comelec, Bukas
Facebook Comments