Ihihiwalay ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng 12 mananalong senador at sa partylist groups.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – noong 2016 ay hindi pinagsabay ang proklamasyon para sa senador at para sa partylist kaya maaaring gawin din ito ngayong 2019 midterm elections.
Aniya, uunahing iproklama ang mga nanalong senador saka isusunod ang mga nanalong partido sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ni Jimenez – kailangan nilang gumawa ng computations ng bilang ng seat allocation para sa winning party-lists.
Inaanunsyo na lamang ng poll body kung saan gaganapin ang proclamation ng mga nanalo nitong halalan.
Facebook Comments