Ihihiwalay ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups nitong May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec Education and Information Department Assistant Director Frances Arabe – posibleng gawin na ang proklamasyon ng winning senators mamayang gabi habang bukas ng gabi naman para sa winning party-list groups.
Inaantay na lamang aniya ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa natitirang Certificates of Canvass (COC) mula US at Saudi Arabia, katumbas nito ang 550,000 votes.
Inaasahang darating ang mga COC ngayong umaga.
Dagdag ni Arabe – kapag natapos ang canvassing mamayang alas-12 ng tanghali ay isusunod ang proklamasyon ng mga senador.
Sa ngayon, 165 mula sa 167 COC na ang na-canvass ng Comelec.