Ipoproklama na ng Commission on Elections (COMELEC) sa Miyerkules, May 18, ang 12 nanalong senador.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, bukas pa darating ang Certificate of Canvass (COC) mula sa HongKong kung kaya’t naantala ang proklamasyon na dapat ay gaganapin sana bukas.
Sa Huwebes naman ng hapon, May 19, ipoproklama ang mga partylist groups na may tiyak na puwesto sa kamara.
Nabatid na hindi bababa sa siyam na party-list group ang makakakuha ng pwesto base sa kasalukuyang partial at official tally ng COMELEC.
Samantala, nauna nang sinabi ni COMELEC Acting Spokesperson Rex Laudiangco na magkahiwalay na ipoproklama ang mga nanalong senador at party-list groups upang mapanatili ang public health standards sa gitna ng COVID-19 pandemic.