Proklamasyon ng mga Provincial Officials ng Isabela, Opisyal na Isinagawa!

195

*ISABELA- *Opisyal nang idineklara sa Lalawigan ng Isabela ang mga nanalong provincial officials pasado ala una ng hapon ngayong araw.

Kasunod ito ng pagkaantala ng transmission ng resulta ng mga boto mula sa ilang mga bayan sa Lalawigan na mahina ang koneksyon sa internet.


Dito ay iprinoklama bilang Goberbador si Rodito Albano na nakakuha ng kabuuang boto na 583,032 habang nagwagi naman sa pagka bise gobernador si Faustino Bojie Dy III na nakakuha naman ng 488,411 na boto.

Batay sa panayam kay Albano bilang bagong halal na Gobernador ng Isabela ay taos puso itong nagpasalamat sa suportang ibinigay ng mga Isabelino sa kanyang grupo upang muling manungkulan sa Lalawigan.

Nangako naman ito na gagawin ang kanilang responsibilidad upang mas mapaunlad ang buong Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments