
Pinagko-convene na ng Commission on Elections (COMELEC) ang City Board of Canvassers ng Maynila upang iproklama si Benny Abante bilang nanalong kongresista ng ika-6 na Distrito ng lungsod.
Batay sa certificate of finality at entry of judgement na inilabas ng Comelec en banc ngayong Lunes, iginiit ng poll body na si Abante ang nanalo sa congressional race ng 6th District ng Maynila.
Ito ay matapos pagtibayin ang resolusyon na nagpapawalang bisa sa proklamasyon ni Joey Uy na nakakuha ng pinakamaraming boto noong May 12 elections.
Binawi ang pagkapanalo ni Uy dahil sa isyu ng citizenship.
Dahil dito, tanging si Abante na nag-iisa niyang kalaban ang naging duly qualified na kandidato at idineklarang panalo sa halalan.
Facebook Comments









