Proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa deklarasyon nito ng martial law sa Mindanao, isinumite na sa Kongreso

Manila, Philippines – Ipinadala na ng Malakanyang sa Kongreso ang opisyal na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.

Pasado alas-10:30 kagabi ay natanggap na ng opisina ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kopya ng proclamation no. 216. o pagdedeklara ng martia law at pagsususpinde ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao.

Batay sa 1987 constitution, binibigyan lamang ang isang pangulo ng 48-oras para magreport sa kongreso upang ipaliwanag ang nasabing proklamasyon.


Nakasaad sa proklamasyon na idinedeklara lamang ng Pangulong Duterte ang batas militar at pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus sa Mindanao sa loob ng 60 araw kasunod ng mga agresibo at bayolenteng hakbang ng Maute terrorist group.

Nabanggit din ang mga karahasang nagaganap sa Marawi, Lanao Del Sur.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas – hindi na magko-convene para sa isang joint session ang kamara at senado dahil gagawin lamang ito kapag personal na nagreport ang Pangulong Duterte sa kongreso.

Samantala, kinumpirma rin ni Senate President Koko Pimentel na natanggap na rin ng Senado ang kopya ng nasabing proklamasyon.

DZXL558


Facebook Comments