Proklamasyon sa Lalawigan ng Isabela, Natengga

Ilagan, Isabela – Hanggang ngayon ay hindi pa napoproklama ang mga nanalong kandidato dito sa lalawigan dahil sa kawalan ng maayos na koneksiyon internet.

Ito ang napag-alaman ng 98.5 RMN Cauayan sa patuloy na pagbabantay sa amphitheatre ng kapitolyo ng lalawigan na siyang headquarters ng provincial board of canvassers.

Mula sa 37 na mga bayan at siyudad ng lalawigan ay mayroong apat pa na bayan na hindi nakapag transmit ng resulta ng kanilang botohan.


Ito ay ang mga bayan ng Alicia, Palanan, Divilacan at Jones.

Maliban sa problema sa Internet sa bayan ng Jones ay mayroon pang insidente ng pagsunog ng isang Vote Counting Machine ng mga armadong kalalakihan habang dinadala ito kaninang umaga mula Barangay Dicamay Uno at Dicamay Dos patungo sa kabisera ng naturang bayan.

Ayon sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa Vice Chairman ng Provincial Board of Canvassers na si Provincial Prosecutor Maria Cristina dela Rosa, isasagawa agad ang proklamasyon kapag natransmit na ang mga boto.

Ayon pa sa kanya, inaayos na ng mga technician ng PLDT ang aberya sa connection ng internet mula sa mga naturang bayan.

Inaantabayanan ngayon ng mga kasapi ng media at mga taga suporta ng mga ipoproklamang kandidato ang gagawing proklamasyon na maaring mangyari ngayong gabi.

Pangunahin sa mga nakatakdang ipoproklama ay si 1st District Congressman Rodito Albano bilang gobernador at bilang Bise Gobernador na si incumbent Isabela Governor Faustino Bojie Dy lll.

Ngayong eleksiyon din ang kauna unahang pagkakakataon na magkakaroon ng anim na kinatawan ang lalawigan dahil sa redistricting patungong anim na distrito mula sa dating apat na distrito nito.

Facebook Comments