Proklamasyon sa mga mananalong senador at partylist, posibleng lumagpas ng pitong araw – COMELEC

Posibleng lumagpas sa pitong araw ang proklamasyon sa mga mananalong senador at partylist sa Election 2022.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo, ito ay base sa patuloy na paghahanda at pagsusuri ng komisyon sa automated na sistema ng eleksyon.

Nilinaw naman ni Casquejo na nasa kontrol ng Kongreso ang takbo ng pagbibilang ng boto at ang paglalabas ng resulta sa pagkapresidente at bise presidente.


Ang Kongreso kasi aniya, na binubuo ng Senado at Kamara, ang bubuo sa National Board of Canvasser (NBOC) kung saan ito ang may obligasyon na bilangin ang boto at magproklama ng nanalo sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Samantala, sinabi naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na ang mga naiulat na pamamahagi ng pera sa gitna ng campaign period ay sasailalim sa imbestigasyon ng mga lokal na opisyal ng COMELEC.

Facebook Comments